Pages

Sunday, August 29, 2010

Major major celebration of National Heroes Day

“Sino-sino ang mga kilala mong bayani?”
Ito ang aking tanong sa iba’t-ibang taong nakakasalamuha ko. Ito rin ang nilagay kong status sa Facebook ko. Gusto ko kasing malaman kung kilala ng karamihan ng mga kababayan natin ang ating mga bayaning nagbuwis ng sariling buhay para sa minamahal nating bansang Pilipinas. Ito na rin ang aking paraang ipagdiwang ang Pambansang Araw ng Bayani -- ang gunitain at kilalanin ang kadakilaan nila.
Ang “generic” na kasagutan sa aking tanong ay si Dr. Jose P. Rizal. Salutatorian naman siAndres Bonifacio. Sabi ko ang daya naman puro silang dalawa na lang lagi ang sikat. May sarili na nga silang ‘araw’; Nobyembre 30 kay ‘May-pagasa’ at Disyembre 30 kay ‘Laong Laan.' Idol si Pepe kasi makulay ang “lovelife” nito at gradweyt nga naman ito ng Ateneo. Napakahusay pa nya at maihahantulad sa mga banyaganggeniuses tulad nila Einstein, Da Vinci at MacGyver. “Winner” naman si Supremo kasi simple lang siya, galing sa mahirap na pamilya at palaban pa! Pangmasa ang appeal nya. Ito rin ang dahilan kung bakit idineklara ang huling Linggo ng Agosto bilang Pambansang Araw ng mga Bayani (National Heroes Day) sa bisa ng Batas 3827 ng taong 1931. Naisip siguro ng may-akda ng batas na karapatdapat na magbigay pugay at maalala ang ibang bayani at may sariling araw na si Jose Rizal at Andres Bonifacio. Ito rin ay para mabigyan liwanag ang mga Pinoy na mayaman at mahalaga ang ating kasaysayan. Na ang mga bayani ay malaking haligi ng ating pagkaFilipino at karapatdapat tularan upang maging mabuting mamayanan. Ngayon, dahil sa bisa ng “Holiday Economics Law” ang Pambansang Araw ng mga Bayani ay ginaganap tuwing huling Lunes ng Agosto.
Sa pagsagot sa aking katanungan, ako’y nakatanggap ng sari-saring sagot. Dahil ang Pinoy ay mahilig sa katatawanan, marami rin ang sumagot ng kalokohan sa aking tanong. Naalala ko tuloy yung mga lumang “jokes” noong nasa high school pa ako. Sino ang seksing bayani? Si Techie Agbayani. Sino ang mag-amang bayani? Bayani Casimiro Sr. at Bayani Casimiro Jr. Sino ang bayani na may kapatid na ‘Bagets’? Hero Bautista. Sino ang pinakabayani sa lahat? Bayani Agbayani!
Hindi bayani ang unang Filipinang na-feature sa Playboy. Hindi bayani ang nagpauso ng mala-national anthem na song and dance hit noong 2003 na ‘Otso Otso.' Hindi rin kasama dito ang dating MMDA Chairman na tumakbo bilang bise president. Transformer siya, hindi bayani. Lalong hindi bayani ang utol ni Mayor Bistek o kaya yung first “Grand Questor” at dating kalove team ni Sandara Park. Hindi rin kasali ang tinaguriang “Fred Astaire of the Philippines” at ang kanyang anak na si “Prinsipe ng Kahilingan." Bayani lang sila sa pangalan. Ang sukatan ng pagiging bayani ay sa kanilang kakaibang ginawa para sa bayan. Hindi lang dugo’t pawis ang ibinigay ng mga ito kungdi prinsipyo at buhay.
Bakit tila hindi natin kilala ang ibang mga bayani? Alam lang natin na may walang pasok kapag National Heroes Day. Malling na naman ang gimik natin, outing sa probinsya o kaya sa Hongkong kasi long weekend ito. Bakit nga ba parang ‘Da Who’ sila sa ating kaisipan? Marahil ay tulog tayo nung itinuro ng iyong guro sa APan ang mga bayaning ito. Siguro binalewala lang natin ito at mas mainam bilangin ang wrong grammar at mannerism ni Ma’am. O kaya abala tayong parang “Matrix” na umiiwas sa ‘talsik laway’ ni Sir. Mas “memorized” natin ang mga kaganapan sa showbiz. Naglipana ba naman ang mga showbiz talk show at teleseryeng inaabangan. Mas sikat ka nga naman kapag alam mo ang latest sa “The Buzz” at sa Ruby o Rosalinda. Wala nga namang panama kila Dingdong Dantes, Piolo Pascual, Judy Ann Santos at Marian Rivera sa kasikatan ang mga “forgotten heroes”. Binaon na ba natin sila sa limot o sadyang hindi natin alam kung sino sila? Hindi na ba natin sila binibigyan ng kahalagahan kasi bahagi na sila ng nakaraan? Kilalanin natin ang ating mga pambansang bayani. Pagaralan at ipagbunyi ang kanilang katapangan at kagilagilalas na kuwento ng buhay nila.
Huwag mong sabihin hindi mo kilala si Magdalo (Hindi yung grupo ng mga sundalong mahilig sa mga hotels). Baka hindi mo alam, si Miniong (tawag sa kanya nung bata pa siya) ay isa sa mga haligi ng Katipunan at unang presidente ng ating bansa (pinakabatang presidente-29 taong gulang at ang may pinakamahabang buhay- 94 taong gulang nung namatay). Siya ang nagdeklara ng ating kalayaan noong Hunyo 12, 1898. Siya yung nasalimang pisong papel na drinowingan mo noong 90’s ng shades at nunal at para magmukhang Randy Santiago. Tama ka. Si Emilio Aguinaldo ang tinutukoy ko.
Sino ang nagsulat ng constitution para sa Unang Republika ng Pilipinas noong 1899-1901 na siya ring sinasabing “utak ng Katipunan”? Mahirap matandaan ano? Pero kung sabihin kong siya yung lumpong bayani o kaya’y tinawag na “Sublime Paralytic”, mas makikilala natin si Apolinario Mabini. Nakakalungkot na mas naalala natin siya dahil sa kanyang kapansanan kaysa sa kanyang kagalingan at kadakilaan.
Ang susunod na bayani ay ang birthday boy ngayong Agosto 30 (National Heroes Day ngayong taong 2010). Siya ay idolo ng mga journalists sapagkat siya ang founder ng Diariong Tagalog at naging editor ng La Solaridad. Kilala bilang Plaridel na siyang pen name nya, si Marcelo H. Del Pilar ay isa sa mga lider ngPropaganda Movement isang grupo ng mga bayaning manunulat na ang kanilang mga isinulat ay siyang naging inspirasyon ng Philippine Revolution.
Pambansang bayani din ang Mindanaoan na si Sultan Dipatuan Kudarat. Siya ay kinatakutan ng mga Kastila. Hindi nya pinasakop ang kanyang lugar. Alam mo yung Spoliarium? Hindi yung kanta ng Eraserheads ha kungdi yung malaking painting sa may National Museum. Si Juan Luna ang lumikha nito. Isa siyang Ilocano at ‘ka-berks’ ni Jose Rizal. Mayroon din mga babaeng bayani: si Gabriela Silang ang unang babaeng nag-aklas laban sa mga Kastila at si Melchora Aquino o Tandang Sora, ang ina ng KKK at bayani na nasa ‘singkong duling’. Isama na rin natin si Gregoria de Jesus ang ginang ng Supremong Andres Bonifacio na nagtatatag ng tsapter ng kababaihan ng Katipunan.
Kamakailan, lumabas ang pangalan ni Tarik Soliman.  Siya daw ang batang-batang Pilipino na taga-Macabebe, Pampanga, na namatay sa pakikipaglaban sa mga Kastila sa Battle of Bangkusay noong 1571.  May mga talang nagsasabi na siya ng kaunaunahang martir ng paghihimagsik laban sa dayuhan.
Marami pang ibang bayani. Kasama dito ang mga namatay ng hindi man lang nabigyan ng pagpugay o kaya ay nakilala. Magbasa tayo ng libro ng kasaysayan, magsearch sa WikiPilipinas o Filipiniana.net at palawigin ang ating kaalaman at pagmamahal sa Inang Bayan. Bigyan mo kasi ng pansin ang mga pangalan ng mga kalye at bayan. Kadalasan sa isang bayani ipinapangalan ang mga yan. Tingnan mo ang pera mo bago gastusin.
Nandyan ang mga mukha ng mga bayani. Nawa’y ang Pambansang Araw ng mga Bayani ay magsilbingpaalaala sa mga ginawa ng mga bayani ng Pilipinas pati na rin upang hikayatin ang mga nakababatang henerasyon upang tularan ang karakter ng mga taong ipinaglaban ang bayan. Ang selebrasyon na ito ay bahagi rin ng pagdiriwang ng Cry of PugadlawinEnjoyin natin ang holiday! Ipagdiwang natin ang Pambansang Araw ng mga Bayani ng “major major” (bonggang bongga) sapagkat ito ay narararapat para sa ating mga bayani.

Sunday, August 22, 2010

Ang Tabo: Proudly Pinoy





Tayong mga Pinoy ay sadyang matalino at malikhain. Magaling tayong gumawa ng paraan lalo na kapag kinakailangan. Filipino ingenuity kumbaga. May isang bagay na matatagpuan sa ating bahay na siyang maihahantulad sa katangiang ito ng Filipino. Ito’y tan-ta-ran-tan-tan (sound effect)… ang tabo.

Oo, tabo. Ang bagay na kung wala ay mahihirapan tayong gawin ang maraming bagay at tila kulang ang ating buhay. Sinasalamin nito ang ating pagkaFilipino saan lupalop man tayo ng mundo. Ito na rin marahil ay kabilang sa ating kaugalian at kultura. Mahirap o mayaman man ay gumagamit ng tabo. Sabi nga nila, siguradong Pinoy ka kung may tabo ka sa banyo. Ito’y isa sa mga tinaguriang bagay na ‘onli in da Pilipins’. Ito ay dipper o water scooper para sa mga Ingleserang Pinoy (na kung akalain mo ay parang hindi marunong magsalita ng sariling wika), ‘kaor’ sa aking kinagisnang salitang Pangasinan, ‘tako’ sa Ilocano, ‘kabo’ sa Bisaya, at simpleng ‘tabo’ para sa karamihan ng Pinoy.


Ito ay kadalasang gawa sa plastic. Minsan ito ay aluminum, tin o bakal. Ang tabo ay maaaring bilhin sa mall, tiangge at bangketa, “rolling store” ng isang maglalakong umiikot sa bahay-/bahay, kasama ng relief goods noong bagyong Ondoy at Pepeng, o kaya’y napanalunan sa ‘roleta ng kapalaran’ sa perya. Pwede na ring tabo  yung lata ng gatas ni James, plastic na pinaglagyan ng payborit mong Stick ‘O, kaserolang hindi na mahanap yung takip, disposable cup ng paborito mong fastfood chain (lalo na kung walang tissue at inabutan ka ng matinding tawag ng kalikasan sa may mall) o yung gallon na may hawakan (automatic pa ang refill tulad sa CR ng mga babae sa QC Hall of justice ayon sa tweet in @cesdrilon)

Maraming gamit ang tabo. Hindi lang ito ginagamit tuwing maliligo, maghuhugas ng kamay o puwet at pandilig ng halaman. Bukod dito, pwede itong maging lalagyan ng sabon, shampoo at conditioner. Sa may kanto namin, ito ay ginagamit na pantagay ng mga tambay at lalagyan ng tinimplang ‘chaser’ o kaya ginagawang ice bucket. Ito ay ginagamit na pinagiinuman ng tubig poso pagkatapos ng ‘salong’ o pick-up games ng basketball sa may maalikabok na basketball court. Madalas din itong gamitin bilang baso habang nagsisipilyo. Pinaglalagyan ito ng mainit na noodles (expired na pero pwede pa daw kainin) na galing sa ‘pakurong’ o pinambili ng boto ng mga politiko noong eleksyon. Ito rin ay upuan ni Manang Ising habang naglalaba. Baso ito para kay Mang Gil habang naghihintay ng rasyon ng tubig. Tuwing lamay, ito ay lalagyan ng ‘tong’ mula sa ‘Lucky Nine’ at ‘Pusoy Dos’. Dito rin inilalagay ni Atsi Cora yung barya nya habang naglalaro ng ‘Tong Its’ buong araw. Pinangtatakal din ito ng bigas, bagoong o suka kung bibili ka ng tingi sa iyong suking tindahan. Pinangsasadok din ito ng mainit na sabaw ng ‘kaleskes’ na specialty ng Dagupan, ‘sinanglaw’ ng Vigan at pampabatang bulalo. Pinambabato ito ni misis kay mister na inuumaga ng uwi. Siguro tabo na ngayon ang binabato kse mahal na ang plato. Tool box ito at lalagyan ng pako, turnilyo at toks ng karpinterong si Kuya Paquing. Dito binababad ang ‘bimpo’ sa maaligamgam na tubig na siyang ipampupunas sa batang nilalagnat para pababain ang temperature. Tuwing tag-ulan, itinatapat ito sa butas ng bubong kung saan sinasalo nito ang tubig ulan. Pansamantalang aquarium ito sa pet shop at paso sa plant shop. Dito kumakain si Spotty at si Miming, ang aming aso at pusa. Pangsandok din ito ng kanin at ulam tuwing ‘poncia’ at malaking handaan sa probinsya. Ashtray din daw ito tuwing inuman session comment ni Wenax facebook ko. Aba’y ginagamit din pala ang tabo sa pagrampa sa isang fashion show. Dito binababad ng mga alahera ang alahas sa suka para malaman kung peke ito o hindi. Pinaglalagyan ito ng bulaklak ng Rosal na pinitas ni Mama sa aming hardin. Ito ay sombrero ni Luke habang naglalaro at nagkukunyaring bumbero. Ito ay arinola ni Mamang Manding nung buhay pa siya. Ginagawa din itong metaphor at halimbawa ng mga matatanda habang nangangaral sa mga kabataang lakwatsera at hindi nagpapaalam: “Kung tabo nga ay hinahanap, ikaw pa kaya?”

Napakahalaga para sa atin ang tabo. Nakasulat sa Definitely Filipino facebook page na hindi kumpleto ang pagligo kahit may shower kung walang tabo. Minsan kahit may basag at butas na ito, hindi pa pinapalitan at gustong gusto pa nating gamitin. Kaysa palitan ang butas na tabo, tinatapalan na lang natin ito ng Vulca Seal. Sa dami ng gamit nito, para itong niyog na tinaguriang “tree of life”. Samakatuwid ang tabo ay matatawag na “cup of life”. Ang tabo ay kulturang Pinoy at prinsipyong pinaglaban ni Amador Bernabe, isang migranteng manggagawa sa Australia na natanggal sa trabaho dahil sa paggamit ng improvised tabo. Mahiwagang tabo ito para sa Anak ni Kulapo. Hinahanap niya ang kakaibang sarap na dulot nito kahit sangkatutak ang tissue at kahit merong gripong panghugas sa ilalim ng inuupuang inidoro. Kahit ang mga sosyal at pinakamayaman na pamilya ay gumagamit na tabo. Simbolo din ito ng kaugaliang kalinisan ng Pinoy. Ang paggamit ng tabo ay mahusay na paraan upang makatipid ng tubig.

Bukod sa kaugalian at nakasanayang gawain, bahagi din ng kasaysayan at literaturang Filipino ang tabo. Tuwing Pista ni San Juan ito ay paboritong gamitin para sa tradisyonal na ‘basaan’. Noong sinaunang panahon ang diyos ng ulan at hangin ay tinatawag na Anitong Tabo. Sa El Filibusterismo ni Rizal, ang bapor na inihahambing sa pamahalaan ay Bapor Tabo. Ang tabo noong panahon ng ating lolo’t lola ay gawa sa kawayan o bao ng niyog at ang banga na nasa batalan ang siyang lalagyan ng tubig.

Kung ako ang masusunod, imumungkahi ko na ang tabo ang gawing ‘pambansang bagay o gamit’.  Isasama ko ito sa hanay ni Manny Pacquiao, ang pambansang kamao; Philippine eagle na siyang pambansang ibon; at Eat Bulaga ang pambansang palatuntunan tuwing tanghali.

Ang tabo ay parang Pinoy. Iba’t-ibang uri at yari, matatagpuan kung saan-saan (Ayon sa Tabo Travel Troupe, ito ay metapora para sa Filipino diaspora), versatile, magaling sa multi-tasking, maabilidad, maasahaan, malinis, at maraming pakinabang at gamit.

Mahalin natin at ipagmalaki ang tabo. Sapagkat ang tabo ay proudly Filipino.



Photos: Edited from Tabo Travel Troupe.