Pages

Wednesday, March 2, 2011

Love at Porsche Sight

So much have been said about a man's love for a car- an expensive super car! It's love at Porsche sight! Who should I choose? Si Portia, si Betty, si Mercy, si Lexie o si Fe?

Read on and enjoy the article


Toys for the big boys: love at Porsche sight


Si Portia, si Betty, si Mercy, si Lexie o si Fe?
Naku hindi ito mga pangalan ng mga babaeng nasa “Black Book ko” o listahan ng mga ex-girlfriends. Eto ay mga pangalan ng mga kotseng inaasam-asam ko. Oo ganyan talaga. Karamihan ng mga lalake ay binibigyan ng pangalan ang mga kotse at inaalagaan na parang babaeng sinisinta. Ngunit yung mga binanggit ko ay hindi lang kotse kundi mga dream cars! Woot, woot!
It’s love at Porsche sight! Si Portia para sa akin ay isang Porsche Carrera GT. Hindi ito yung kay PNoy ha. Puting 2007 Type 997 Porsche 911 yung sa kanya. Hay, buti pa siya meron ng siyang kapiling na Portia. Ayaw nga lang sabihin kung kanino binili ng makaiscore din sana ako (hindi masama ang mangarap). Kung ako siguro ang bibili walang babatikos at makikialam. Sabi ni Angelli Sabillo, marami nang mapupuntahan yung pinambili nya ng Porsche – 12 taon pambuhay ng isang pamilya (tipid pa yun ha), sahod ng pangkaraniwang mangagawa sa loob ng 35 years o pambili ng 200 kompyuter para sa mga estudyante ng pampublikong paaralan. Baka yung matuwid na daan na sinasabi niya, dun dadaan ang Porsche nya. Wow! Sarap nung sa rekta mo patakbuhin yung tsikot ng 200 mph! Nakakainggit, Jake!

porsche_and_other_big_boy_toys_2

Anyway highway, mapunta naman tayo kay Betty Boo. Isa siya Chevrolet Corvette convertible. Pangalan pa lang seksing-seksi. Kasing tunog ng ‘curve’. Mura na to sa price tag na $70,000 kumpara sa Porsche na “3rd hand” na nga 4.5 milyon pa. Si Mercy naman pang front page ng magasin. Hindi yung iniimpeach na Mercy ang sinasabi ko. Ang tinutukoy ko ay si Mercy na mas kilala sa palayaw na Chedeng. Yung type ko ay isang Mercedes Benz SLR McLaren Roadster. $ 495,000 lang naman siya. Pero pag may ganito ako dapat may isang battalion akong bodyguards at sangkatutak na anjong pambayad sa BIR. Si Lexie naman ay isang Lexus LS 460. Bagay yung pangalan kasi L is for luxury and lifestyle. Technology queen itong Lexus. Ang dami nyang features and gadgets like radar cruise control that automatically keeps a set distance from the car in front, push-button starting, and even a self-parking feature. Sosyal ito. May extended-wheelbase model with optional reclining rear seats (complete with electric massage) and dual-screen video system siya.

Pinakasikat sa lahat si Fe. Fe as in Ferrari. Controversial din siya parang si Portia. Napagusapan din si Willie Revillame dahil dito nung 2008. Hindi lang pala si Shalani ang common denominator ni Willie at PNoy, pati mamahaling kotse pala. Para sa akin there is no other color for Fe but red. Sarap tuloy kantahin yung kanta ni Chris De Burgh:

The lady in red is dancing with me, cheek to cheek,
There's nobody here, it's just you and me,
It's where I want to be,
But I hardly know this beauty by my side,
I'll never forget the way you look tonight


Read my other articles at Philippine Online Chronicles here.

2 comments: